Sariling bersyon ng Security Tenure Bill dapat gawin ng Malakanyang ayon kay Senator Recto
Hiniling ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa Palasyo ng Malakanyang na gumawa ng sariling bersyon ng Security of Tenure bill.
Ito’y matapos hindi lagdaan ni Pangulong Rodrigo Dutere ang panukalang batas na Security of Tenure bill.
Ayon kay Recto, kailangan muling maisumite sa kongreso ang nasabing bill pero dapat ito ay magmumula na executive branch.
Matatandaang inanusyo ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo noong July 26 ang hindi paglagda ni Pangulong Duterte sa nasabing bill.
Gayunpaman, siniguro naman ni Pangulong Duterte na patuloy niya poprotektahan ang mga kapakanan ng mga manggagawa sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.