Pangulong Duterte, bibisita sa Batanes ngayong Linggo
Nakatakdang bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Batanes matapos yanigin ng magkasunod na magnitude 5.4 at magnitude 5.9 na lindol ang lalawigan noong Sabado, July 27.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, tutungo ang pangulo sa Batanes bandang alas 10:30 ng umaga ng July 28 mula Davao City.
May naitala ng siyam na katao na ang nasawi kabilang ang isang sampung araw na gulang na sanggol at 60 ang naitalang nasugatan.
Tinitignan pa rin ng gobernador ng lalawigan na si Marilou Cayco kung nakakarapat bang magdeklara ng state of calamity sa lugar.
Nanghingi naman ng tulong si Itbayat Mayor Raul De Sagos para sa 2,000 naapektuhan ng lindol.
Nakapagtala naman ng 77 aftershocks ang Philvocs mula sa dalawang lindol ng alas 7:00 ng gabi, araw ng Sabado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.