Batanes, muling niyanig ng M5.3 na lindol

By Clarize Austria July 28, 2019 - 01:03 AM

Muling nakaramdam ng magnitude 5.3 na lindol ang bayan ng Itbayat sa Batanes, Sabado ng gabi.

Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) alas 6:11 ng gabi, naitala ang pagyanig 22 kilometro Timog-Silangan ng Itbayat, Batanes.

Tectonic naman ang origin ng lindol na may lalim na isang kilometro.

Naramdaman ang Intensity III sa mga bayan ng Itbayat at Basco sa nasabing lalawigan.

Unang itong itinala ng Philvolcs bilang magnitude 4.9.

Ang muling pagyanig ay aftershock ng magnitude 5.9 na lindol na tumama sa naturang bayan 7:37 ng umaga ng July 27.

TAGS: 5.9 na lindol na tumama sa bayan ng Itbayat sa Batanes, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, 5.9 na lindol na tumama sa bayan ng Itbayat sa Batanes, Philippine Institute of Volcanology and Seismology

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.