2 bilanggo tumakas habang ginaganap ang earthquake drill sa QC Jail

By Den Macaranas July 27, 2019 - 12:54 PM

Inquirer file photo

Bumuo na ng team ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) para hanapin ang dalawang preso na tumakas mula sa Quezon City Jail.

Naganap ang pagpuga ng dalawang bilanggo habang abala ang lahat sa ginanap na earthquake drill kaninang madaling-araw.

Kinilala ni BJMP Spokesperson Chief Insp. Xavier Solda ang pugante na sina Mamerto Valenzuela na nahaharap sa kasong rape at Dennis Valdez na sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga.

Nabisto ang pagtakas ng dalawa nang bilangin ang mga bilanggo matapos ang earthquake drill.

Pinaniniwalaang sumuot sa drainage ng Quezon City Jail ang mga tumakas na sina Valenzuela at Valdez.

TAGS: BJMP, earthquake drill, quezon city, Valdez, valenzuela, BJMP, earthquake drill, quezon city, Valdez, valenzuela

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.