16 pasahero ng tumaob na bangka sa Biliran, nailigtas

By Dona Dominguez-Cargullo December 25, 2015 - 10:41 AM

Maripipi MasbateNailigtas ang labinganim na pasahero matapos na lumubog kagabi ang sinasakyan nilang bangka sa karagatang sakop ng Masbate at Sambawan Island sa bayan ng Maripipi Biliran province.

Sa ulat, sakay ng M/B Jeramay ang mga pasahero galing sa Pio V. Corpuz sa Masbate at patungo sa Culaba, Biliran nang tumaob ang sinasakyan nilang bangka.

Galing umano sa kasalan ang mga pasahero ng bangka at naganap ang pagtaob ng M/B Jeramay alas 9:00 ng gabi.

Isa sa mga pasahero ang nagawang makatawag sa Culaba PNP para humingi ng tulong.

Agad na nagsagawa ng search and rescue operations para mailigtas ang mga pasahero.

Narito ang listahan ng mga nailigtas na pasahero mula sa ulat ng biliranisland.com:

– Kagawad Elma Tumangan
– Leonarda Tumangan
– Rosalinda Ahina
– Jimmy Ahina
– Rosalinda Verdida
– Ernesto Verdida, Sr.
– Maeden Ahina
– Rosalie Solis
– Allan Bogabil
– Aljun Bogabil
– Alvin Bogabil
– Ronald Bogabil
– Ronald Asis
– John Ronald Asis
– Leonardo Vergara
– Rami Pintuan

Dinala sa Maripipi RHU ang mga nailigtas na pasahero para malapatan ng medical attention.

TAGS: motorboat capsized in masbate, motorboat capsized in masbate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.