Lindol na yumanig sa Batanes itinaas na sa Magnitude 6.4

By Marlene Padiernos, Rhommel Balasbas July 27, 2019 - 08:37 AM

(UPDATED as of 8:37am) Itinaas na  ng Phivolcs-DOST sa magnitude 6.4 ang lindol na tumama sa Batanes bandang alas-7:38 Sabado ng umaga, July 27,2019.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay nasa layong 19 kilometro Hilagang-Silangan ng Itbayat, Batanes at may lalim na 43 kilometro.

Naitala naman ang intensity IV sa Basco, Batanes.

Nagbabala ang ahensya sa posibilidad ng pagkasira sa mga ari-arian at nag-abiso rin sa magaganap pang aftershocks.

Wala namang namataang mga banta ng tsunami sa lugar.

Samantala, nauna nang itinaas ng Phivolcs-DOST ang magnitude 5.4 na lindol na tumama sa kaparehong lugar kaninang alas-4:16 ng madaling araw na  may layong 12 kilometro ang episentro at may lalim na 12 kilometro.

Ayon pa sa ulat ng Phivolcs, naramdaman ang Intensity VI sa Itbayat, Batanes.

Intensity III naman sa Basco at Sabtang, Batanes.

Habang kaninang alas-3:39 ay magnitude 3.3 namang pagyanig ang naitala sa bahagi ng Batangas.

Naitala ang episentro ng lindol sa layong 15 kilometro Timog-Kanluran ng Calatagan.

May lalim naman itong 120 kilometro.

Hindi nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

Tectonic ang pinagmulan ng mga naitalang mga pagyanig.

TAGS: batanes, Batangas, earthquake information, M3.3 earthquake jolts Calatagan, M6.4 na lindol na yumanig sa Ityabat Batanes, Magnitude 5.4 quake hits Batanes, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, batanes, Batangas, earthquake information, M3.3 earthquake jolts Calatagan, M6.4 na lindol na yumanig sa Ityabat Batanes, Magnitude 5.4 quake hits Batanes, Philippine Institute of Volcanology and Seismology

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.