Babaeng fixer ng prangkisa ng TNVS timbog sa Quezon City
Inaresto ang isang babaeng umano’y fixer ng mga prangkisa para sa TNVS matapos magsagawa ng entrapment operation sa labas mismo ng LTFRB, araw ng Biyernes, Hulyo 26.
Agad hinuli ang suspek na si Rose Lawerda matapos matanggap nito ang P10,000 na marked money.
Ang nasabing operasyon ay ikinasa ng pinagsanib-pwersa ng Presidential Anti-Corruption Commission o PACC, Anti-Red Tape Authority (ARTA) at National Bureau of Investigation (NBI).
Base sa imbestigasyon, nagbebenta umano ang babae ng slot para sa pagkuha ng prangkisa ng TNVS na nagkakahalag ng P5,000 at P80,000 na pang-franchise.
Nahaharap sa kasong ang suspek paglabag sa Republic Act 11032 o Ease of Doing Business Act at Article 315 ng revised Penal Code na may kaugnayan sa estafa.
Ayon kay PACC Commissioner Greco Belgica, nag-isyu ang LTFRB ng 5,000 slot sa mga gustong mag-TNVS pero dapat ito ay libre.
Ipinag-utos na ni Belgica na magsagawa ng imbestigasyon para malaman kung may kasabwat ang suspek sa loob ng LTFRB.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.