Pagpatay sa school at kapatid nito sa Negros Oriental kinondena ng DepEd

By Angellic Jordan July 26, 2019 - 08:41 PM

Kinondena ng Department of Education (DepEd) ang pagpatay sa isang school principal at kapatid nitong empleyado ng kagawaran sa Negros Oriental.

Pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang gunman ang principal na si Arthur Bayawa, 55-anyos, at kapatid na babaeng si Ardale sa Barangay Hibaiyo bandang 1:00, Huwebes ng madaling-araw.

Sa inilabas na pahayag, nagparating ng pakikiramay ang DepEd sa pamilya ng biktima.

Hinikayat din ng DepEd ang otoridad na magsagawa ng imbestigasyon para mabigyan ng hustisya ang kaso.

Sinabi rin ng kagawaran na nakikiisa sila sa mga lokal na opisyal at law enforcement agency para matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa kabila ng serye ng patayan sa probinsya.

TAGS: ambush, deped, Negros Oriental, school principal, ambush, deped, Negros Oriental, school principal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.