Sunud-sunod na patayan sa Negros Oriental pinaiimbestigan ni PNP chief Albayalde
Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Oscar Albayalde sa Central Visayas police ang pagsasagawa ng masusing imbestigasyon sa serye ng patayan sa Negros Oriental.
Sa isang press briefing, sinabi ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac na direktang inatas ni Albayalde kay Central Visayas police director Brig. Gen. Debold Sinas na siguraduhing mahuhuli ang mga responsable sa patayan.
Sakop ng kautusan ang mga murder case sa ibang bayan kabilang ang pagpatay sa apat na intelligence police officers sa Ayungan noong July 18.
Noon lamang Huwebes, pito ang napaulat na nasawi sa magkakahiwalay na insidente ng pamamaril sa Siaton, Ayungon, Sta. Catalina, at Guihulngan City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.