Pagkasawi ng 15 katao sa Negros Oriental sa loob ng isang linggo, hindi dapat ikabahala ayon sa mga otoridad
Sa kabila ng sunud-sunod na insidente ng pagpatay sa Negros Oriental, sinabi ng Police Regional Office sa Central Visayas na hindi ito dapat ikaalarma.
Nangyari ang sunud-sunod na pamamaslang mula July 18 hanggang July 25.
Kasama sa mga nasawi ang apat na pulis na tinambangan ng New People’s Army (NPA sa bayan ng Ayungon.
Pinakaraming naitalang nasawi ay kahapon, araw ng Huwebes, july 25 kung saan pito ang nasawi sa pananambang sa loob lamang ng 24 na oras sa magkakaibang lugar sa lalawigan.
Base sa rekord ng PRO-7, maliban sa apat na pulis, kabilang sa mga nasawi sa pananambang ang mga sumusunod:
– Isang human rights lawyer sa San Carlos City
– rebel returnee sa bayan ng Zamboanguita
– isang lalaki na binaril sa loob ng bahay sa Dumaguete City
– magkapatid na principal at guro sa Guihulngan City
– Kapitan ng barangay sa Brgy. Buenavista, Guihulngan City
– isang lalaki sa bayan ng Siaton
– isa pang lalaki sa bayan ng Ayungon
– at pananambang sa isang pamilya na sakay ng kotse sa Sta. Catalina
Ayon ka Police Brigadier General Debold Sinas, director ng PRO-7, ang mga insidente ay hindi rason para maalarma ang publiko dahil hindi naman ito nangyayari sa iisang lugar lamang.
Tuloy aniya ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa mga insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.