NCRPO tutulungan ang LGUs matapos bigyan ng deadline ng DILG sa paglilinis sa public roads

By Dona Dominguez-Cargullo July 26, 2019 - 12:12 PM

Suportado ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang atas ni Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang mga pampublikong daan mula sa mga private entity na omokupa dito.

Ayon kay NCRPO chief Major General Guillermo Eleazar, tutulong sila sa Local Government Units (LGU), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Interior and Local Government (DILG) para maisakatuparan ito.

Partikular na tulong na ibibigay ng NCRPO ay ang protektahan at idipensa ang miyembro ng clearing teams laban sa mga lumalabag.

Ayon kay Eleazar, base kasi sa kasaysayan, kahit mapaalis ng MMDA ay pabalik-balik lamang din sa lugar ang mga pinaalis, gaya ng mga vendor.

Tiniyak ni Eleazar na mas magiging aktibo ang pulisya sa pagbabantay laban sa mga lumalabag.

Una nang sinabi ng DILG na 45 araw lamang ang ibibigay nila sa Metro Mayors para linisin ang public road sa mga obstruction.

TAGS: clearing operations, Guillermo Eleazar, Metro Manila, metro mayors, NCRPO, clearing operations, Guillermo Eleazar, Metro Manila, metro mayors, NCRPO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.