Deputy Speaker Bro. Eddie Villanueva hindi pabor sa isinusulong na divorce bill sa Kamara

By Erwin Aguilon July 26, 2019 - 08:39 AM

Radyo Inquirer / Erwin Aguilon
Mariing tinututulan ni CIBAC Party-list Rep. Bro. Eddie Villanueva ang panukala na nagsusulong ng diborsyo sa bansa.

Ayon kay Villanueva, bukod sa Vatican kung nasaan ang Santo Papa ay tanging Pilipinas na lamang ang bansa sa buong mundo na walang diborsyo.

Giit ni Villanueva, tayo na lamang ang bansa na rumerespeto sa batas ng Diyos kaya bakit hahayaan na maimpluwensyahan at pasukan tayo ng mga demonyo.

Bilang isang Kristiyanong bansa, naniniwala ang kongresista na dapat pangalagaan ang kasagraduhan ng pagaasawa at pagpapakasal.

Samantala, ilang kongresista na ang naghain ng divorce bill ngayong 18th Congress kabilang sina Albay Rep. Edcel Lagman, Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez at Gabriela Partylist.

TAGS: bro eddie villanueva, Divorce Bill, Radyo Inquirer, bro eddie villanueva, Divorce Bill, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.