Habagat magpapaulan pa rin sa ilang bahagi ng Luzon; bagyo sa labas ng bansa hihina at magiging LPA na lang
Magpapaulan pa rin ngayong araw ang Habagat sa ilang bahagi ng Luzon.
Sa weather forecast ng PAGASA ang Ilocos Region, MIMAROPA, lalawigan ng Zambales at Bataan ay makararanas ng maulap na papawirin ngayong araw na may kalat-kalat na pag-ulan.
Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated na pag-ulan.
Ayon kay PAGASA weather specialist Gener Quitlong, isang tropical depression ang binabantayan na malapit sa borderline bansa.
Pero unti-unti na aniya itong lumalayo at inaasahan ding hihina at magiging isang Low Pressure Area (LPA) na lamang.
Wala din itong anumang epekto sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.