Higit 60 opisyal, empleyado ng Customs sisibakin ni Duterte sa susunod na linggo

By Len Montaño July 26, 2019 - 04:07 AM

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na sisibakin niya sa pwesto ang mahigit 60 opisyal at empleyado ng Bureu of Customs (BOC) sa susunod na linggo.

Ito anya ay bunsod ng alegasyon pa rin ng kurapsyon sa ahensya.

Sa kanyang talumpati sa Candon, Ilocos Sur Huwebes ng gabi, sinabi ng Pangulo na kailangan niyang tanggalin sa pwesto ang 64 na Customs officials at employees.

Nagbanta pa ang Pangulo na sunod niyang sisibakin ang 100 iba pang tauhan ng ahensya.

“I have to kick them out. Sixty-four of them will be terminated next week. And 100 is coming. Then I will have cleaned the… Kasi sabi nila hindi daw talaga malinis-linis ang Customs,” ani Duterte.

Sa parehong speech ay sinabi ng Pangulo na una na siyang may tinanggal an opisyal ng gabinete dahil pa rin sa katiwalian.

“Siyempre magbayad ka ng utang. Noong nandoon ako sa presidency, inilagay ko in key Cabinet. Magnanakaw ang l****. So sinabi ko na lang na, ‘I have accepted the resignation.’ Means — meaning to say, ‘You’re fired,” pahayag ng Pangulo.

 

TAGS: 62 tauhan, Bureau of Customs, empleyado, Katiwalian, kurapsyon, opisyal, Rodrigo Duterte, sisibakin, 62 tauhan, Bureau of Customs, empleyado, Katiwalian, kurapsyon, opisyal, Rodrigo Duterte, sisibakin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.