‘Manilans First’ Policy, tinataguyod ni Isko Moreno

By Clarize Austria July 24, 2019 - 08:54 PM

Hinihikayat ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga negosyante at kumpanya sa lungsod ng Maynila na sundin ang ‘Manilans First’ Policy.

Ito ay isang polisiya na naghihimok sa mga may negosyo sa naturang lungsod na gawing prioridad ang mga Manilaños kapag kukuha ng mga mangagawa.

Ayon kay Moreno, ang pagkakaroon ng mas maraming trabaho para sa mga Manileños ay magandang formula sa pagkamit ng kaayusan at katahimikan sa lungsod.

Kung may trabaho aniya ang mga mamamayan, hindi sila kakapit sa patalim at gagawan ng krimen.

Binigyang daan din ng alkalde ang pagsugpo sa nagaganap na kurapsyon sa City Hall partikular na sa pagkuha ng business permits at licenses.

Noong nakaraan ay nilagdaan ni Moreno ang Executive Order No. 8 na nagmamandato sa pagbuo ng Bagong Maynila One-Stop Shop o BOSS nilang panghihikayat sa mga tao na magnegosyon.

 

TAGS: 'Manilans First' Policy., Bagong Maynila One-Stop Shop o BOSS, Executive Order No. 8, Manila Mayor Isko Moreno, Manileños, 'Manilans First' Policy., Bagong Maynila One-Stop Shop o BOSS, Executive Order No. 8, Manila Mayor Isko Moreno, Manileños

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.