2 miyembro ng Abu Sayyaf Group naaresto sa Maynila at QC
Iniharap sa media ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG).
Nadakip ang dalawa sa magkahiwalay na operasyon sa Quiapo, Maynila at sa Barangay Culiat sa Quezon City.
Sangkot ang dalawa sa pagdukot sa anim na miyembro ng Jehovah’s Witness noong 2002.
Kinilala ang dalawa na sina Julmain Mawan Ismael Maomar Timbao at Anwar Sabarul Mohotoh.
Ang dalawa ay may alyas na Ibno Ayob at Ayyub.
Naaresto si Anwat sa tulong ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) katuwang ang NBI-Counter Terrorism Division sa Quiapo Maynila noong July 12.
Mayroon siyang standing warrant of arrest para sa kasong kidnapping at serious illegal detention.
Sa bisa rin ng warrant of arrest naaresto naman si Julmain sa Brgy. Culiat para din sa kasong kidnapping at serious illegal detention.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.