Death penalty malaking tulong para masugpo ang ilegal na droga at pandarambong – Malakanyang
Naniniwala ang Malakanyang na malaki ang maitutulong ng death penalty para masugpo ang ilegal na droga at pandarambong sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, tiyak na magdadalawang-isip na ang mga nasa ilegal na droga at matatakot nang mangurakot sa kaban ng bayan dahil sa parusang kamatayan.
Ayon kay Panelo, ang parusang kamatayan na lamang ang naiisip na paraan ni Pangulong Duterte para masawata ang problema ng bayan.
Una rito, sinabi ni panelo na kung si Pangulong Duterte lamang ang masusunod, nais niyang ipataw ang parusang kamatayan sa pamamagitan ng bitay dahil lubid lamang ang gagastusin ng pamahalaan.
Pero ayon kay Panelo, maari ring sundin na lamang ang lethal injection na una nang ipinatupad sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.