Pagkamatay ng lalaking nakasabit sa tulay sa Talisay, Cebu iimbestigahan ng CHR

By Angellic Jordan July 24, 2019 - 02:48 AM

Sinimulan na ng Commission on Human Rights (CHR) ang imbestigasyon sa pagpatay sa lalaking natagpuang nakasabit sa isang tulay sa Talisay City, Cebu.

Ayon kay Atty. Jacqueline de Guia, tagapagsalita ng CHR, nagpadala na ang CHR Region 7 ng Quick Response Team para imbestigahan at tutukan ang kaso.

Kinondena ng ahensya ang aniya’y brutal na pagpatay na nagresulta sa kawalan ng karapatang mabuhay at due process sa biktima.

Matatandaang sinabi ng Talisay City Police Station na mayroong tama ng bala sa katawan at nakabalot ng karton ang mukha ng biktimang si Reynante Otero.

 

TAGS: cebu, CHR, iniimbestigahan, lalaki, nakabalot ng karton ang mukha, nakasabit, pinatay, Quick Response Team, Talisay, tulay, cebu, CHR, iniimbestigahan, lalaki, nakabalot ng karton ang mukha, nakasabit, pinatay, Quick Response Team, Talisay, tulay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.