Pangulong Duterte takot na makurakot ang P100M Coco Levy fund
Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na nahihirapan syang magtalaga ng taong hahawak sa P100 million na Coco Levy fund.
Sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte, sinabi nito na sacred money kasi ang Coco Levy fund dahil galing sa bulsa ng mga magsasaka sa bansa.
Pangamba ng pangulo na maaring makurakot lamang ang naturang pondo.
Mahirap aniyang maghanap ng isang tapat na tao na hahawak sa pondo.
Mungkahi ng pangulo, gawing trust fund na lamang ang naturang pondo.
Tama aniya ang desisyon ng Korte Suprema na huwag nang ibalik ang pera sa mga magsasaka dahil mahihirapan na ang gobyerno na kilalanin kung sino sino ang nararapat na tumanggap ng pera.
Panahon ni dating pangulong Ferdinand marcos nabuo ang Coco Levy fund na para sana sa mga magsasaka.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.