Moral transformation sa Kamara isusulong ni Deputy Speaker Bro. Eddie Villanueva

By Erwin Aguilon July 23, 2019 - 12:40 PM

Tiniyak ni CIBAC Party-list Representative Brother Eddie Villanueva na gagawin ang makakaya para tulungan ang Kamara na pairalin ang moral transformation sa buong bansa.

Ito’y matapos siyang mahalal bilang isa sa Deputy Speakers na tututok sa Good Governance and Moral Transformation.

Sinabi ni Villanueva na para maramdaman ang progreso sa bansa ay kailangang isulong ang legislative measures na tutugon sa mga isyung may kinalaman sa mabuting pamamahala at moralidad.

Bukod dito ay pagtutuunan rin ng pansin ang anti-corruption measures at sa katunayan ay nauna nang ihain ang Freedom of Information and Education Bill at Anti-Marital Infidelity Bill bago pormal na magbukas ang 18th Congress.

Bilang deputy speaker ay trabaho nitong mag-preside sa plenary session kapag wala ang house speaker at magrekomenda ng mga panukalang batas na makatutulong sa institusyon para maresolba ang iba’t ibang isyu.

Bahagi ng repormang isinusulong ni Speaker Alan Peter Cayetano sa 18th Congress ang pagbibigay ng hurisdiksyon sa bawat deputy.

TAGS: deputy speaker, Good Governance and Moral Transformation, deputy speaker, Good Governance and Moral Transformation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.