Sen. Grace Poe nakulangan sa isyu sa West PH Sea sa SONA ni Pangulong Duterte

By Jan Escosio July 23, 2019 - 08:51 AM

Kuha ni Jan Escosio
Sinabi ni Senator Grace Poe na sana ay nagbigay pa ng karagdagang mga detalye si Pangulong Duterte sa isyu sa West Philippine Sea.

Ayon kay Poe malinaw naman na sinabi ni Pangulong Duterte na atin ang West Philippine Sea ngunit aniya dapat nagpaliwanag pa ito sa mga dapat gawin para iprotesta ang ginagawa ng China.

Dagdag pa ng senadora sana ay maging malinaw kung anong diplomatic arrangements ang mangyari sa pagitan ng Pilipinas at China.

Ngunit sa kabuuan ng SONA, ayon pa rin kay Poe, nagsalita ang pangulo mula sa kanyang damdamin.

Aniya may mga magagandang panukala na nabanggit tulad ng pagkakaroon ng Department of Disaster Resilience at Department for Overseas Filipino Workers.

Bukod dito, tama rin aniya ang hamon ng pangulo sa mga LGUs na kumilos para mawakasan na ang tila pagmamay-aari ng iilan sa mga lansangan.

Sinabi din ni Poe na sa kanyang palagay malaki ang posibilidad na makalusot na ngayon sa Senado ang pagbabalik ng parusang kamatayan.

Ngunit hirit ng senadora, nangangamba siya na mga mahihirap ang tatamaan kayat aniya mabuti na pag aralan din ang pagreporma sa criminal justice system sa bansa.

TAGS: grace poe, Radyo Inquirer, State of the Nation Address, West Philippine Sea, grace poe, Radyo Inquirer, State of the Nation Address, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.