Batang babae ginahasa at isinilid sa sako sa Taguig
Isang walong taong gulang na batang babae ang ginahasa at tinangka pang patayin ng suspek sa Taguig City.
Ayon sa Investigation Unit ng Taguig City Police, dumulog sa kanila ang nanay ng biktima.
Sa sumbong ng ginang, ginahasa umano ng isang construction worker ang bata.
Inalok umano ng suspek ang biktima na bibigyan niya ito ng pera kapag sumunod sa kaniya.
Pagkatapos ay dinala ang bata sa isang bakanteng lote at doon ginahasa at sinuntok.
Inakala ng suspek na mamamatay ang biktima kaya isinilid niya ito sa sako.
Pero nakatakas ang bata at nakapagsumbong sa pamilya.
Naaresto agad ang suspek na nahaharap sa kasong rape at frustrated homicide.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.