Pangulong Duterte hindi naniniwala sa Diyos na lumikha ng impyerno
Hindi naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte sa isang Diyos na gumawa ng impyerno para sa kanyang mga nilalang.
Sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) araw ng Lunes, sinagot ng pangulo ang akusasyon ng mga kritiko na hindi siya naniniwala sa Diyos.
Giit ng pangulo, naniniwala siya sa isang ‘universal mind’ ngunit hindi sa Diyos na gagawa lamang ng impyerno para sa kanyang mga nilalang.
“They said I do not believe in God. Who says? I am a believer of a universal mind there. But I do not believe that a God so perfect would create hell for his creation. What kind of God is he? He is not my God,” ayon sa pangulo.
Magugunitang ilang beses nang kwinestyon ng presidente ang ‘existence’ ng Diyos maging ang ilang mga doktrina ng Simbahang Katolika.
Sa talumpati noong June 2018, tinawag ng presidente na istupido ang Diyos dahil sa anya’y paglikha ng perpektong mga bagay ngunit kalauna’y sisirain din.
Partikular na kwinestyon ng presidente ang ‘creation story’, kung saan hinayaan ng Diyos sina Adan at Eba na magkasala sa pamamagitan ng ‘forbidden fruit’.
Noong December 2018 naman ay sinabi ng presidente na hindi siya bilib kay Hesukristo dahil nagpapako ito sa krus sa kabila ng pagiging Diyos nito.
Samantala, sa kanyang SONA, ipinahayag ni Duterte ang kanyang posisyon sa isyu ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea sa pamamagitan ng aklat ng Ecclesiastes, Kabanata 3.
“There is a time to — for everything. A time to negotiate and a time to quarrel with your enemy, with your political opponents or with your wife. That is why some lives here are… And a time to antagonize and a time to make peace and a time to go to war, and a time to live and a time to die. That’s Ecclesiastes 3,” ayon sa presidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.