Oil price rollback epektibo na

By Rhommel Balasbas July 23, 2019 - 01:52 AM

Epektibo na ang kakarampot na bawas-presyo sa mga produktong petrolyo matapos ang limang sunud-sunod na linggong price hike.

Lahat ng kumpanya ng langis ay may bawas na P0.25 sa presyo ng kada litro ng gasolina at P0.20 sa presyo ng kada litro ng diesel

Ang Petron naman, Flying V, Shell at Caltex ay may rollback na P0.40 sa presyo ng kada litro ng kerosene o gaas.

Una nang nagpatupad ng bawas-presyo para lang sa gasolina ang Seaoil alas-6:00 ng umaga kahapon, July 22.

Epektibo naman alas-12:01 ng hatinggabi ngayong Martes, ang rollback ng Cleanfuel at Caltex.

Ang natitirang mga kumpanya ng langis ay magpapatupad ng rollback mamayang alas-6:00 ng umaga.

 

TAGS: Bawas-presyo, diesel, epektibo na, gaas, gasolina, karampot, kerosene, kumpanya ng langis, oil price increase, produktong petrolyo, rollback, Bawas-presyo, diesel, epektibo na, gaas, gasolina, karampot, kerosene, kumpanya ng langis, oil price increase, produktong petrolyo, rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.