Pagsuspinde sa mga hindi sumusunod na alkalde sa pagbawi ng public roads, ipinag-utos ni Duterte
Ipinasusunpinde ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga alkalde na hindi tumatalima sa kautusang bawiin ang lahat ng pampublikong kalsada na ginagamit sa pansariling interes.
Sa kaniyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA), araw ng Lunes, sinabi ng pangulo na maraming opisyal ang hindi pa rin sumusunod sa nasabing kautusan.
“Reclaim all public roads that are being used for private ends. Marami diyan,” pahayag ni Duterte.
Dahil dito, ipinag-utos ng pangulo kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang mga lokal na opisyal na hindi susunod sa kautusan.
Binanggit din ng pangulo ang kautusan sa Metro Manila Development Authority (MMDA).
Ayon kay Duterte, layon nitong masolusyunan ang sikip ng daloy ng trapiko sa Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.