Death Penalty, muling itinulak ni Pangulong Duterte
Muling itinulak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasabatas ng parusang kamatayan.
Sa kaniyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA), araw ng Lunes, binanggit ng pangulo ang limang buwang giyera sa Marawi City dahil sa pag-atake ng Maute ISIS-inspired terrorist group.
Aniya, tone-toneladang ilegal na droga ang nadala sa bansa habang nasa 175 ang nasawi at higit 2,000 ang nasugatan sa sumiklab na giyera noong May 2017.
Dahil dito, nais niyang maisabatas ang death penalty para sa mga krimen na may kinalaman sa ilegal na droga at plunder.
“I respectfully request Congress to reinstate the death penalty for heinous crimes related to drugs and plunder,” pahayag ng pangulo.
Binanggit din ng pangulo ang mga natagpuang palutang-lutang na bloke ng cocaine sa iba’t ibang karagatang sakop ng bansa.
Sa ngayon, karamihan sa mga mambabatas sa Kongreso at Senado ang pabor sa nasabing panukalang batas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.