Albayalde pumalag sa pag-salvage sa mga pulis ng NPA
Kinondena ng Philippine National Police (PNP) ang pagpatay sa apat na pulis ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Negros Oriental.
Ayon kay PNP chief, Gen. Oscar Albayalde, hindi nirerespeto ng rebeldeng grupo ang karapatang pantao.
Hindi rin aniya sumusunod sa batas ang NPA.
Napatay ang apat na pulis na nakasakay sa tatlong motorsiklo sa Ayungan, Negros Oriental noong July 18.
Sinabi ng PNP chief na lumabas sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) na binugbog pa ng mga rebelde ang mga biktima.
Nakita aniyang may nakatali ang mga kamay sa likod ng mga pulis bago binaril.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.