Pagsusumite ng 2020 national budget sa kongreso hindi isasabay sa SONA ni Pangulong Duterte

By Chona Yu July 22, 2019 - 12:36 PM

Walang balak ang Malakanyang na isabay sa State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsusumite ng Department of Budget and Managemenet ng 2020 nationl budget.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, isinasapinal pa ng DBM ang pambansang pondo.

Aabutin pa aniya ng isa hanggang dalawang linggo ang budget.

Matatandaan na noong nakaraang taon, tatlong beses na naantla ang pagpasa ng budget dahil sa hindi pagkakasundo ng kamara at senado dahilan para magkaroon ng reeenacted budget sa unang qurter ng taong 2019.

Ayon kay Nograles, ayaw na ng palasyo na maulit ng naturang insidente dahil naapektuhan ang mga proyekto ng administrasyon.

TAGS: 2019 national budget, Radyo Inquirer, SONA, 2019 national budget, Radyo Inquirer, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.