Nagsimula na ang kilos-protesta ng mahigit 400 katao mula sa iba’t ibang militanteng grupo sa harap ng Commission on Human Rights ngayong umaga, July 22.
Kaugnay ito ng gaganaping na State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte mamaya.
Ilan sa mga grupo na nagprotesta ang Gabriela, Anakbayan, Bagong Alyansa Makabayan, Kadamay, Alyansa ng mga magbubukid sa Gitnang Luzon, Trade Union Organization.
Naririto rin ang Central Luzon Aeta Association, Alliance of Concern Teachers, Marcos Victims, Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas at iba pa.
Magkakaron ng programa ang naturang grupo hanggang ala una ng hapon bago magmartsa papunta sa Sandiganbayan kung saan ay makikianib sila sa iba pang grupo.
Inaasahan pa na madaragdagan ang mga sasali sa naturang rally na ang ilan nga ay magmumula sa Central Luzon.
Tinatayang 14,000 katao naman ang tinitignang lalahok sa protesta mamayag hapon habang ginaganap ang SONA ng pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.