‘Dark horse’ sa speakership race posibleng lumutang ngayong umaga

By Erwin Aguilon July 22, 2019 - 06:48 AM

Isang dark horse o malakas na kandidato ang posibleng lumutang sa speakership race ngayong araw na posibleng makaapekto sa tsansa ni Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano.

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda “front-running” pa rin si Cayetano matapos na iendorso ni Pangulong Rpdrigo Duterte ang kanilang term sharing ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Subalit maaring may lumutang aniyang dark horse mamaya sa breakfast meeting na ipinatawag ni Davao Rep. Paolo Duterte mamayang alas-8:00 ng umaga.

Tumangging pangalanan ni Salceda ang binabanggit nitong speaker aspirant pero iginiit na dapat aniyang abangan ito.

Kinokonsidera na rin aniya ngayon ng ilang mga kapwa niya mambabatas ang paalala ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na hindi naman magagalit si Pangulong Duterte sa oras na iba ang iboto sa inendorso niya.

Iginiit ni Salceda na hindi naman daw basta magpapatawag lamang si Pulong ng breakfast meeting kung ang pakay nito ay makilala lamang ang mga kasamahan niya sa 18th Congress.

Gayunman, sinuman ang mahalal bilang Speaker ay dapat na may direct line sa Pangulo, at kung siya raw ang tatanungin, ito ay wala nang iba kundi ang presidential son.

TAGS: 18th congress, House Speakership, 18th congress, House Speakership

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.