Mainit sa umaga at uulan sa hapon at gabi ngayong araw ng SONA ni Pangulong Duterte – PAGASA
Magiging maaliwalas ang panahon ngayong araw sa malaking bahagi ng bansa.
Ayon sa weather forecast ng PAGASA, sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng Luzon, fair weather ang mararanasan lalo na sa araw.
Pinayuhan ng PAGASA ang mga magsasagawa ng kilos protesta ngayong State of the Nation Address ni Pangulong Duterte na magdala ng panangga sa init at sa ulan.
Sa umaga kasi ay aasahan ang mainit na panahon, habang pagdating hapon o gabi ay makararanas ng isolated na pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.
Ganito rin ang lagay ng panahon sa Visayas at Mindanao.
Sa ngayon ang extreme Northern Luzon lamang ang apektado ng Habagat ayon sa PAGASA.
Wala ding inaasahang sama ng panahon na mabubuo o lalapit sa bansa sa susunod na tatlong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.