1,000 bumbero nakikipagbuno sa wildfire sa Central Portugal
Aabot sa 1,000 bumbero ang sumusubok na apulahin ang wildfire sa central Portugal kung saan 20 na ang nasaktan.
Ayon sa Civil Protection Agency ng Portugal, sumiklab ang apoy noong Sabado sa bahagi ng Castelo Branco, 200 kilometro ang layo sa Hilagang-Silangan ng Lisbon, ang kabisera ng bansa.
Walong bumbero at 12 sibilyan na ang nasaktan dahil sa insidente na karamihan ay nakaranas ng smoke inhalation.
Isa naman ang nagtamo ng first and second degree burns at agad dinala ng helicopter sa ospital sa Lisbon.
Daan-daang sasakyan, kabilang ang bulldozers at 10 firefighting aircrafts na ang ginagamit para apulahin ang apoy.
Nahihirapan ang mga bumbero na apulahin ang apoy dahil sa malalakas na hangin.
Inaasahang tataas ang temperatura sa Castelo Branco at inilagay na sa maximum fire alert ang anim pang rehiyon sa central at southern Portugal.
Ang wildfires ay taunang problema sa nasabing bansa na mayaman sa kakahuyan at may warm weather.
Dose-dosenang katao ang nasawi sa wildfires sa Portugal noong 2017.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.