Susunod na laban ni Manny Pacquiao, posibleng isagawa sa 2020
Matapos masungkit ang WBA Super welterweight title, inihayag ni eight-division champion Manny Pacquiao na posibleng isagawa ang kaniyang susunod na laban sa taong 2020.
Posibleng susunod na makaharap ni Pacquiao sa boxing ring ang mananalo sa laban nina Errol Spence Jr. at Shawn Porter.
Si Spence ay kasalukuyang IBF welterweight champion habang si Porter naman ang WBC titleholder.
Sinabi ni Pacquiao na nais niyang personal na matunghayan ang boxing match ng dalawa.
Samantala, si Pacquiao ang unang boksingero na nakatalo kay Keith Thurman sa pamamagitan ng split decision.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.