Lokal na pamahalaan ng Quezon City handa na para sa SONA 2019
Handa na ang Quezon City Government sa gagawing ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Dutere sa Lunes, July 22.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmmonte ba na magdedeploy sila ng mahigit 500 traffice enforcers sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Batasan Road at ibang kalapit na lugar.
Pinagutos din niya sa Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office na magtayo ng medical posts at first aid tents sa harap ng Saint Peter Church at Police Station 6 sa Batasan Road para tumugon sa mga emergency na posibleng mangyari.
Sinabihan naman niya nga Quezon City Environmental Protection and Waste Management Department na panatilihing malinis ang vacinity ng House of Representatives.
Payo naman alkalde sa mga residente ng Quezon City na huwag muna umalis ng bahay kung wala naman importanteng lakad o pupuntahan para hindi maabala sa traffic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.