NAIA tinanghal na pang-44 sa World’s Best Airports for Business Travelers
Pang ika-44 na puwesto ang nakuha ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa World’s Best Airports for Business Travelers list ng Globehunters.
38.19 points ang score ng NAIA base sa assessment ng mga pasahero, time arrival performance, at transit time ng pribadong mga sasakyan at and public transport, halaga ng airport parking fees, airport rating, bilang ng lounges, destinations served, at airlines na gumagamit ng paliparan.
Ang time arrival performance naman ng NAIA ay 63.9% ang score na ibinigay ng Globehunters.
Tatlo mula sa limang star naman ang nakuha ng NAIA sa airport rating.
Ang Globehunters ay isang travel booking website.
Samantala, ang Narita International Airport ng Japan naman ang itinanghal bilang World’s Best Airports for Business Travelers.
Kabilang sa mga paliparan na nakapasok sa top 10 ay ang mga sumusunod:
-Los Angeles International Airport
-Frankfurt Airport
-Amsterdam Airport Schiphol
-George Bush Intercontinental Airport
-Hartsfield-Jackson Atlanta International Airport
-Munich Airport
-Madrid Barajas Airport
-Tokyo Haneda Airport
-Dubai International Airport
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.