Tinupok ng apoy ang nasa 150 kabahayan sa Sitio Tacan, Barangay Ibo, Lapu-Lapu City, Cebu.
Malaki ang naging sunog na tumagal ng ilang oras at itinaas ang alarma sa Task Force Bravo.
Tinatayang nasa P400,000 halaga ng ari-arian ang nawala sa mga nasunugan.
Samantala, hinuli naman ang isang babae matapos pagbabatuhin ang mga bumbero.
Ayon kay SF01 Hadji Samonte, imbestigador ng Lapu-Lapu City Fire Department, nais umano ng babae na unahing apulain ang apoy sa kanilang bahay.
Naiintindihan aniya ang nararamandaman ng babae ngunit hindi ito dahilan para saktan ang mga bumbero.
Kasalukuyan namang nasa Ibo Elementary School ang mga naapektuhan ng trahedya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.