Pinoy, nasawi habang nasa pilgrimage sa Mecca

By Clarize Austria July 21, 2019 - 08:33 AM

(AP Photo/Mosa’ab Elshamy)

Binawian ng buhay ang isang 66 anyos na Pilipinong lalaki habang nasa pilgrimage sa Mecca.

Kinilala ang nasawi na si Enting Tungao Kamensa, Maguindanaon mula sa Datu Piang sa Sheikh Muslimin Limba.

Nawalan ng malay sa loob ng Masjidil Haraam si Kamensa bandang alas 3:30 ng hapon (oras sa Saudi Arabia) at agad na isinugod sa ospital ngunit hindi na narevive ng mga doktor.

Ayon kay National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) Medical Team Head Dr. Abdulnasser Masorong Jr., suspetya nila na myocardial infarction o atake sa puso ang kinamatay ng Pinoy.

Kasalukuyang nasa King Faisal Hospital ang labi nito habang pinoproseso ang mga papeles.

Si Kamensa ang ikalawang Pilipino na pumanaw habang pilgrimage ngayong 2019.

TAGS: 66 anyos na Pilipinong lalaki na nasa pilgrim, Medical Team Head Dr. Abdulnasser Masorong Jr., National Commission on Muslim Filipinos (NCMF), 66 anyos na Pilipinong lalaki na nasa pilgrim, Medical Team Head Dr. Abdulnasser Masorong Jr., National Commission on Muslim Filipinos (NCMF)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.