2 lalaki patay sa loob ng water tank sa Batangas
Nasawi ang dalawang lalaki matapos umanong maubusan ng hininga sa loob ng isang tanke ng tubig sa San Juan, Batangas araw ng Sabado, July 20.
Ayon Police Lieutenant Colonel Rossel Encarnacion, hepe ng San Juan-Batangas Police, nagpipintura ang dalawa sa loob ng tanke nang mangyari ang insidente.
Maaari din aniyang na-suffocate ang dalawa sa loob ng tanke dulot ng amoy ng pintura at walang lagusan ng sariwang hangin.
Ang naturang tanke ay pagmamay-ari umano ng Barangay Barualte na pinipunturahan ng dalawang biktima.
Kasalukuyan pa ring iniimbistigahan ng pulisya ang pangyayari at tinitignan ang dahilan ng trahedya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.