Rider ng motorsiklo sugatan sa aksidente sa Nagtahan Flyover

By Noel Talacay July 21, 2019 - 03:36 AM

Sandaling isinara ang bahagi ng Nagtahan Flyover papuntang Nagtahan Bridge pasado alas-2:00 kaninang madaling araw.

Ito’y matapos bumangga ang isang motorsiklo sa likurang bahagi ng isang track na nakahimpil sa taas ng flyover.

Naipit sa gulong ang motrosiklo at pumailalim sa trak ang rider dahilan para magtamo ito ng sugat.

Agad naman isinugod sa malapit na pagamutan ang driver ng motorsiklo.

Samantala, ayon naman sa driver ng trak na si Noben Hodrales, nasira ang minamaneho nitong trak sa ibabaw ng flyover.

Pero may nakalagay na anya na early warning device at naka hazard pa ang trak.

Sabi pa ni Hodrales na mukhang naka inom ang driver ng motorsiklo dahil nangangamoy alak ito.

 

TAGS: motorsiklo, Nagtahan Bridge, nagtahan flyover, naka inom, nangangamoy alak, rider, sugatan, trak, motorsiklo, Nagtahan Bridge, nagtahan flyover, naka inom, nangangamoy alak, rider, sugatan, trak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.