DFA: Pinoy crew ng oil tanker na sinamsam sa Iran ligtas
Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang naiulat na nasaktan sa mga seaman, kabilang ang isang Pilipino, na crew ng isang British oil tanker na sinamsam sa Iran.
Kasabay nito ay kinumpirma ng DFA na kasama sa 23 crew members ng oil tanker na MT Stena Impero ang isang Filipino seafarer.
Samantala, nakikipag-ugnayan si Philippine Ambassador to Iran Fred Santos sa mga otoridad doon para masiguro na agad makauwi ang Pinoy seaman.
Ayon sa DFA, agad na sinabihan ng agency ni Santos ang pamilya nito at tumutulong din sa pangyayari.
Habang ang foreign counterpart ng agency ay nakikipag-ugnayan din sa mga otoridad sa United Kingdom kaugnay ng lokasyon ng barko at kundisyon ng mga crew.
“The Philippine-based manning agency immediately informed the Filipino seafarer’s next of kin, and is providing the necessary assistance, while its foreign counterpart is in active coordination with UK authorities on the whereabouts of the ship and the condition of the seafarers on board,” ayon sa pahayag ng DFA.
Pinigil ng Iran ang British oil tanker dahil sa umanoy paglabag sa international laws.
Bukod sa Pinoy na si Santos, ang iba pang nationality na sakay ng barko ay 18 Indians, tatalong Russians at isang Latvian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.