(updated) WASHINGTON — Ligal na ang pagpapakasal ng same-sex couples sa buong Amerika. Ito ay matapos ideklara ng US Supreme Court na may karapatan ang mga magkasintahan na pareho ang kasarian na makapagpakasal.
Sa nasabing ruling ng US Supreme Court, lahat ng Gay at lesbian couples ay maari nang magpakasal sa 36 na US states at sa District of Columbia.
Sa botong 5-4, pinaboran ng US Supreme Court ang ‘same-sex marriage’ na ipinagbunyi ng ‘gay at lesbian community’ sa Amerika.
Dalawang dekada nang dinidinig ng Korte Suprema ang issue ng ‘gay marriage’ at ‘gay rights’ sa Amerika kaya’t itinuturing na ‘historic’ ang ibinabang desisyon ng Korte.
Una nang pinapayagan ng 36 na ‘state’ at District of Columbia ang same-sex marriage kaya’t ang natitirang 14 na estado na lamang sa South at Midwest ang mapipilitang ipatigil ang ‘ban’ sa same-sex marriage.
Tinatayang may halos 400,000 na mga ‘gay’ at ‘lesbian’ sa buong U.S.A. ang kasal na.
Samantala, matapos ang historical decision, pinuri ni U.S. President Barack Obama ang naging pasya ng kanilang Supreme Court.
Sa kanyang mga tweet gamit ang hashtag na #LoveWins, ipinarating ni Obama ang mensahe na lahat ay pare-parehongg may karapatan na magmahal ng sinuman:
“This ruling is a victory for friends, families, and organizers who fought tirelessly for years for marriage equality.” #LoveWins”
“All people should be treated equally, regardless of who they are or who they love. —President Obama #LoveWins”
“We are all created equal.—President Obama #LoveWins”
“America should be very proud.” —President Obama #LoveWins”
Sinuportahan ng Obama administration ang pagsusulong ng ‘same sex marriage’ sa Estados Unidos.
Samantala, makikita sa larawan ang mgay couple na sina George Harris (left), 82 anyos at Jack Evans, 85 anyos na masayang lumabas sa Dallas County Clerks Office. Bitbit ni Harris ang kanilang marriage license habang may hawak namang mga rosas si Evans.
Ang nasabing gay couple ay inaasahang maikakasal na sa Dallas matapos makuha ang kanilang lisensya. Ito ay matapos ang inilabas na desisyon ng US Supreme Court na pumapayag sa mga same-sex couples na makapagpakasal./ Jay Dones
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.