5 lalaking gumagamit ng shabu, arestado sa Pasig City

By Marlene Padiernos July 20, 2019 - 07:22 PM

Huli sa akto ang limang kalalakihan na gumagamit umano ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Pasig City, Sabado.

Naaktuhan ang mga suspek na nakilala ng mga pulis na sina alyas “Mauro,” 47, alyas “Junie”, 41, alyas “Rofe,” 30, alyas “Jonathan,” 22, at alyas “Ariel”, 21 sa loob ng isang bahay sa Barangay Pinagbuhatan na pinaniniwalaang drug den sa lugar.

Pitong sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 10 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P68,000 ang nakuha mula sa mga suspek.

Isinagawa ang buy-bust operation sa lugar nang itimbre ng ilang mga residente na talamak ang transaksyon ng iligal na droga doon.

 

TAGS: " 22, " 30, " 47, "Mauro, 000, 21, 41, alyas "Jonathan, alyas "Junie", alyas "Rofe, at alyas "Ariel", Pasig City, Pitong sachet ng hinihinalang shabu, shabu na may timbang na 10 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P68, " 22, " 30, " 47, "Mauro, 000, 21, 41, alyas "Jonathan, alyas "Junie", alyas "Rofe, at alyas "Ariel", Pasig City, Pitong sachet ng hinihinalang shabu, shabu na may timbang na 10 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P68

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.