Babae patay sa karambola ng isang jeep at truck sa Quezon City

By Marlene Padiernos July 20, 2019 - 07:00 PM

Patay ang isang babae habang walong iba pang mga pasahero ang sugatan sa nangyareng banggaan ng jeep at trak sa kanto ng Timog Avenue at Scout Tobias sa Quezon City, Sabado ng umaga.

Papasok sana sa trabaho ang biktimang kinilalang si Jocelyn Flores nang mangyari ang aksidente.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, binabagtas ng jeep ang kahabaan ng Timog Avenue patungong EDSA nang sumalpok ang isang trak na nanggaling naman sa Scout Tobias.

Sa lakas ng impact ay tumagilid ang jeep at naipit si Flores na nakasakay sa likurang bahagi ng jeep.

Kasalukuyan paring inaalam ang sanhi ng nangyaring banggaan sa lugar.

Samantala, iginiit naman ng mga driver ng dalawang sasakyan na aksidente lamang ang nangyareng bangaan at hindi mabilis ang kanilang pagmamaneho.

Posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and multiple injuries ang dalawang driver na kasalukuyan nang nasa pangangalaga ng QC Traffic Sector 4.

 

TAGS: Jocelyn Flores, quezon city, reckless imprudence resulting in homicide and multiple injuries, Scout Tobias, Timog Avenue, Jocelyn Flores, quezon city, reckless imprudence resulting in homicide and multiple injuries, Scout Tobias, Timog Avenue

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.