Bagong silang na sanggol, inabandona sa isang basurahan sa Negros, Oriental

By Marlene Padiernos July 20, 2019 - 06:47 PM

Nakakabit pa ang umbilical cord ng isang bagong silang na sanggol nang matagpuan ito ng isang basurero sa Tavera Street sa lungsod ng Bais sa lalawigan ng Negros Oriental nitong Huwebes ng umaga sa isang basurahan.

Noong una ay inakala ng nasabing basurero na wala ng buhay ang sanggol pero sa paglapit niya ay inimulat naman ng sanggol ang mga nito.

Ayon sa mga pagsusuri, maputla man ay malusog naman ang sanggol na hinihinalang bunga ng unwanted pregnancy.

Agad na dinala ang sanggol sa Bais District Hospital.

Kasalukuyan paring pinaghahanap ng mga otoridad ang ina ng sanggol habang mahaharap naman sa kasong kriminal ang sinomang responsable sa nangyaring insidente.

 

TAGS: Bais City, Bais District Hospital, Negros Oriental, Tavera Street, Bais City, Bais District Hospital, Negros Oriental, Tavera Street

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.