Medical marijuana bill nais isylong muli sa kongreso ni 1st District Representative Antonio Albano
Isusulong muli sa kongreso ni Isabela 1st District Representative Antonio Albano ang Medical Marijuana Bill.
Ayon kay Congressman Albano ito ay para matulungan ang mga taong may sakit tulad ng epilepsy at cancer o mga sakit na tanging marijuana lang lunas.
Ang nasabing batas aniya ay para sa lahat gaya ng mga bata at matatanda.
Sinabi naman nito na walang itatayong taniman ng nasabing halaman, kundi ang tanging layunin lang nito ay para gawing gamot.
Sisiguraduhin naman daw niya ang hindi maabuso ang nasabing bill.
Walang dapat aniya ipangamba umano ang publiko sa pagsasabatas ng Medical Marijuana Bill, dahil mas delikado pa umano ang mga ipinagbabawal na gamot.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.