Casts ng remake ng ‘Descendants of the Sun’ sumailalim sa dalawang araw na training ng Philippine Army
Isinailalim sa dalawang araw na training ng Special Forces Regiment ng Philippine Army ang mga cast ng remake ng ‘Descendants of the Sun’ sa GMA-7.
Ayon sa pahayag ng Philippine Army, isinagawa ang training sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija.
Kabilang sa mga sinanay ay sina Dingdong Dantes, Rocco Nacino, Paul Salas, Prince Clemente, Jon Lucas, at Lucho Ayala
Ang production team ng ‘Descendants of the Sun’ ang humiling sa Special Forces Regiment na bigyan ng military training ang mga aktor para maging handa sila sa pagganap bilang Special Forces soldiers.
Kabilang sa pagsasanay na ipinagkaloob sa kanila ng Special Forces Regiment ay ang Basic Military Training, Jungle Warfare, Immediate Action Drills, Obstacle Course, Reception Rites at iba pa.
Nagpasalamat naman ang mga aktor sa mga sundalo na sumanay sa kanila.
Hinangaan din nila ang mga sundalo sa pagbibigay proteksyon at seguridad sa bansa.
Ayon naman kay Special Forces School Commandant, Lt. Col. Gaspar Panopio, ang ginawa ng mga aktor ay nakapagpataas sa morale ng mga sundalo.
Magandang platform din aniya ang ‘Descendants of the Sun’ remake para maikwento sa publiko ang kagitingan ng mga sundalo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.