Pananambang ng NPA sa apat na pulis sa Negros Oriental kinondena ng PNP

By Dona Dominguez-Cargullo July 19, 2019 - 05:12 PM

Kinondena ng Philippine National Police (PNP) ang pananambang ng New People’s Army (NPA) sa apat na pulis sa Negros Oriental.

Sa pahayag ng PNP-Public Information Office, maliban sa pinatay ay pinagnakawan pa ang mga pulis at kinuha ang kanilang mga armas at personal na gamit.

Kinilala ng PNP ang mga nasawi na sina P/Corporal Relebert Beronio, Patrolman Raffy Callo, Patrolman Roel Cabellon at Patrolman Marquino de Leon.

Tiniyak ng PNP sa pamilya ng apat na pulis na pagkakalooban sila ng karampatang tulong.

Nagsasagawa na rin ng hot pursuit operation sa Negros Oriental para mahanap ang mga nasa likod ng pananambang.

Ang apat ay tinambangan alas 2:30 ng hapon ng Huwebes (July 18) sa bahagi ng Barangay Mabato, bayan ng Ayungon.

TAGS: ambush, Negros Oriental, NPA, PNP, ambush, Negros Oriental, NPA, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.