Kautusan para permanenteng makabiyahe ang mga hatchback-type na sasakyan bilang TNVS nilagdaan na ng DOTr

By Dona Dominguez-Cargullo July 19, 2019 - 01:47 PM

Permanente nang papayagan ng Department of Transportation (DOTr) ang mga hatchback-type at sub-compact na sasakyan para mag-operate bilang transport network vehicle service (TNVS).

Ito ay makaraang lagdaan ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang Department Order na permanenteng magbibigay-daan sa naturang mga uri ng sasakyan upang mag-operate bilang TNVS.

Ayon kay Transport Assistant Secretary Goddess Libiran, ginawa ni Tugade ang paglagda, araw ng Biyernes (July 19) isang araw matapos ipag-utos sa LTFRB na pahintulutan ang pagbiyahe ng hatchback na sasakyan.

Magugunitang nagrereklamo ang mga TNVS driver dahil nahihirapan silang kumuha ng permit sa LTFRB bunsod ng limitasyon sa bilang ng mga pwedeng mag-apply kada araw.

TAGS: department order, Radyo Inquirer, TNVS, department order, Radyo Inquirer, TNVS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.