LTFRB, TNVS dapat patuloy na mag-usap ayon kay Sen. Grace Poe

By Jan Escosio July 19, 2019 - 12:59 PM

Naplantsa na ang isyu sa hatchback cars na maaring magamit sa transport network vehicle service o TNVS.

Ngunit sinabi ni Sen. Grace Poe, na dapat na magpatuloy ang mga dayalogo sa pagitan ng LTFRB at mga may-ari ng TNVS para maging mas maayos ang operasyon ng ride-hailing services.

Aniya dapat sa mga pag-uusap ay higit na ikunsidera ang kapakanan ng mga commuter.

Pinasalamatan na rin ni Poe si Transportation Sec. Arthur Tugade sa pagkiling nito sa mga may ari ng hatchback cars.

Ibinahagi ng senadora na sa Senado ay muling inihain ang panukala para sa regulasyon ng operasyon ng TNVS.

TAGS: ltfrb, Senator Grace Poe, TNVS, ltfrb, Senator Grace Poe, TNVS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.