Tatlong malalakas na aftershocks naitala sa Surigao Del Sur

By Mary Rose Cabrales July 19, 2019 - 07:45 AM

Niyanig ng tatlong malalakas na lindol ang lalawigan ng Surigao Del Sur.

Ayon sa Phivolcs, Unang naitala ang magnitude 3.5 na pagyanig sa 4 kilometers Southwest ng bayan ng Carrascal sa lalawigan ng Surigao Del Sur, alas-12:02 ng madaling araw ng Biyernes (July 19) at may lalim na 9 kiolometers.

Naitala ang intensity 3 sa Carrascal, Surigao Del Sur at intensity 2 sa Cantilan at Carmen, Surigao Del Sur.

Naitala naman ang magnitude 3.8 na lindol sa 4 kilometers Southwest ng bayan pa rin ng Carrascal, alas-1:39 ng umaga at may lalim na 7 kilometers.

Naitala ang Intensity 4 sa Carrascal, Surigao Del Sur, Intensity 3 sa Cantilan, Carmen, Lanuza, Claver, Surigao Del Sur at instrumental intensity 1 sa Gingoog City.

At magnitude 3.6 na lindol naman ang naitala sa 6 kilometers Southwest ng bayan pa rin ng Carrascal, ala-1:40 ng umaga at may lalim na 6 kilometers.

Naitala ang intensity 3 sa Carrascal, Lanuza, at Carmen, Surigao Del Sur at intensity 2 naman sa Claver, Surigao Del Norte.

Tectonic ang origin ng tatlong pagyanig.

Ang mga pagyanig ay aftershock ng magnitude 5.5 na lindol sa Surigao Del Sur noong July 13.

TAGS: aftershocks, earthquake, surigao del sur, aftershocks, earthquake, surigao del sur

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.